Gumagamit
  • 7.2
  •  
Softonic
  • 10
  •  
Lisensya:
libre
Wika:
Ingles
OS:
  • Windows XP
  • Windows Vista
  • Windows 7
  • Windows 8
Pinakabagong bersyon:
3.9.141.2592006-12-14
Mga download sa nakaraang buwan:
12,983,336
Laki:
16.51 MB
Developer:

Ang pinakabagong Picasa, na puno ng mga bagong katangian.

Pagdating sa mga paraan sa pagtingin ng larawan maraming alternatibo na mapagpipilian. Picasa ay ang kadalasang paborito dito sa Softonic, at itong bagong bersyon ay ang dahilan kung bakit ito ang di-mapagkakailang pinakapinipili.

Ayusin ang Iyong mga Larawan

Ang bagong Google Picasa ay pinananatili ang parehong pagpapatakbo dito tulad ng nakaraang bersyon, subalit nagtatampok ng mga bago't pinagandang pagpipilian upang pamahalaan, i-edit, at ipakita ang iyong mga larawan sa mas pinadaling paraan, offline man o online – salamat sa Picasa Web Album kasangkapang pang-sync.

Ang Picasa ay nagpapakita ng lahat ng iyong palatandaang larawan sa lagayan na magaling ang pagkakagawa. Pwedeng i-scan ng programa ang buong drive sa paghahanap ng mga larawan o mamili ng tiyak na pagpipilian. Ang pag-click ng dalawang beses sa kahit na anong larawan ay magpapakita ng buong larawan na kasing laki ng screen and tutulungan kang mabuksan ang maraming bagay tulad ng kagamitan sa panimulang pag-e-edit: paggupit, pagtutuwid, pag-aayos ng kulay at liwanag o pag-ayos ng pulang mata, kasama ng iba pa.

Bagong Tinatampok

Ang pinakabagong bersyon ng Picasa ay may kasamang mga nakatutuwang ipinapakita: pangmukahang pagkakakilala atpang-lugar na pag-tag. Ang nauna ay nangangahulugan n aang Picasa ay maaari nang i-scan ang iyong pinaglalagyan ng mga larawan, kilalanin at kilatisin ang mukha ng mga tao, at sa wakas ay hinahayaan nitong ilagay ang mga pangalan sa mga iyon. Ang proseso ay kumukuha ng sandali upang ito'y magsimula – makikita ang mga mukha ng tao para i-tag at mga pangalan ng tao para isulat – pero kapag pumunta ka sa di-pinangalanang tag sa ilalim ng album ng mga tao, maaari kang magdagdag ng mga bagong pangalan at mukha nang sabay-sabay at gawin ang trabaho ng mas mabilis. Sa gawain naman na pang-lugar na pag-tag, mas madali na ngayong piliin ang mga larawang gusto mong i-tag pang-lugar, buksan ang Google Maps sa pamamagitan ng pag-click sa 'Lugar' na buton, pumunta sa partikular na lugar at i-click ang OK.

Higit sa lahat gusto namin ang Picasa's Photo Viewer, kung saan pwede mo itong i-configure para palitan ang orihinal na Windows default image viewer. Ito ay nagbibigay din ng mas maraming kagamitan at nagpapakita ng mga larawan sa mas magandang paraan kapag tinitignan ito direkta sa Windows Explorer, kaya kapag tinanong ka ng Picasa kung nais mo iyong gamitin, wag ka na magdalawang-isip pa.

Subalit ang Picasa ay hindi lamang tungkol sa pagtingin at pag-ayos ng mga ritrato. Maaari ka ring magbigay ng libreng riyenda sa iyong imahinasyon sa pamamagitan ng mga kagamitan nito na maaari kang magpaskil, gumawa ng mga kolahe, screensavers at kahit pelikula. Ang pinakamagandang bagay tungkol sa mga kagamitan nito ay hindi lamang ang katotohanang binibigyan ka nito ng pagkakataong makagawa ng ibang bago kakaiba at orihinal na gagawin sa iyong larawan; ito ay ang nakabibiglang napakadali lamang nitong gamitin at hindi nangangailangan ng kahit na anong kakayahan sa sa tech at pag-e-edit ng larawan sa anumang paraan.

Kongklusyon

Ang pinabagong Picasa ay matagumpay na nakumpleto ang kung iisipin ay mahirap na gawain: pinapaunlad ang software app na talagang mahusay na.

Pros
  • Magandang desenyong pagpapatakbo
  • Simple ngunit mabisang kagamitan sa pag-e-edit
  • Kahanga-hangang tagapagpakita ng larawan na gagamitin sa Windows Explorer
  • Ibahagi ang iyong mga larawan sa pamamagitan ng email, sa iyong blog o sa iyong Picasa Web Albums
  • Kagamitan sa pagkilala sa mukha at pang-lugar na pag-tatag
Cons
  • Ang pagkilala sa mukha ay tumatagal ng ilang sandali upang i-configure

Nangungunang Mga Download: Mga Photo Album

  1. Windows Movie Maker

    Ang pinaka-mabisang paraan upang gumawa ng mga presentasyon ng mga litrato

  2. Photoscape
  3. Microsoft Publisher
  4. Adobe Photoshop CS3 Update
  5. Picasa